Table of Contents
Ang GSSY ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang “chant” o pag-uulit ng isang mantra o isang sagradong salita sa loob ng iyong isipan sa loob ng karampatang oras. Bagama’t inaasahang magiging matagal ang proseso ng agsasambit ng “chant”, inaasahang magiging madali ito kung paulit-ulit na ginagawa nang may sapat na halaga ng paniniwala at sinseridad. Sa iilang pagkakataon, ang iba ay nakakasanayan ito sa loob lamang ng isang linggo samantalang ang iba naman ay matapos pa ang ilang buwan. Maliban sa “chant”, ang sinumang gumagawa ng GSSY— o ang tinatawag na “disciple”, ay kailangan ding sumailalim sa labing-limang minutong pagninilay-nilay nang dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.
Ang pagninilay sa GSSY at ang tuloy-tuloy na pagsambit ng mantra na ibinigay ni Guru Siyag ay inaasahang magdadala ng mga sumusunod na pagbabago sa materyal na buhay ng sinumang susubok nito:
Ang mga sakit na nararanasan ng mga tao ay igrinupo ng siyensya sa dalawang kategorya— ang pisikal at ang mental. Ang mga ito ay ginagamot ng mga panloob at panlabas na mga medisina o kaya hindi naman sa pamamagitan ng mga therapeutic na aplikasyon. Ang mga makalumang Indian sages ay nagsaliksik sa mga misteryo ng buhay sa pamamagitan ng pagninilay at natuklasang ang mga sakit ay hindi lamang sanhi ng mga dumi at mga bacteria kung hindi dahil rin sa mga ginawa ng isang indibidwal sa kanyang nakaraan na buhay. Bawat gawain, maganda man o masama, ay nagsasanhi ng isang siklo ng buhay at kamatayan at pagdurusa sa iba’t ibang karamdaman at ibang pagdurusang nararamdaman ng sangkatauhan sa kasalukuyan.
Ayon sa Yoga Sutra, klinasipika ng Indian sage na Patanjall ang mga karamdaman sa tatlong kategorya, pisikal (Adhidehik), mental (Adhibhaulik) at spiritwal (Adhidaivik). Ang spiritwal na karamdaman ay nangangailangan ng spiritwal na remedyo tulad ng regular a pagsasanay ng Yoga sa ilalim ng obserbasyon ng mga eksperto tulad ni Guru Siyag. Ang GSSY ay makakatulong upang matanggal ang mga karma ng isang indibidwal mula sa mga nagawa nito mula sa nakaraan na buhay upang makaiwas sa mga karamdaman at upang mahanap ang kanyang tunay na halaga sa mundong ito o (atma sakshator).
Habang ginagamot ng siyensya ang pagod sa pamamagitan ng mga medikasyon na lubhang nakakalulong tulad ng mga sleeping pills at iba pang droga, ang GSSY naman ay tinitingnan ang intoxication bilang isang uri ng lunas. Ang intoxication na ito ay ang paulit ulit na pagsasambit ng mantra na ibinigay ni Guru Siyag. Ang tawag sa lunas na ito ay ang intoxication na walang droga. Ang Ananaa ay may kakayahang palayain ang sinumang pagod o stress at nakararanas ng depresyon, hypertension, hirap sa pagtulog, phobia sa loob lamang ng ilang araw.
Ang bawat tao ay may tatlong pangloob na pakiramdam: Sattavic (puro at magaan), Rajastic (passionate), at Tomasic (hindi kaaya-aya at negatibo). Ang mga pakiramdam na ito ay tumutukoy sa pangkalahatang disposisyon ng isang tao kung paano niya tingnan ang buhay at paano rin niya pinagiisipan ang kanyang mga ginagawa. Kasama rito ang pagpili ng kanyang kinakain. Ang regular na pagsasagawa ng GSSY ay maaaring magsanhi ng pangingibabaw ng Sattavic kaysa sa Rajastic at Tomasic na pakiramdam. Ito ay maaaring magdala ng pagbabago sa mga katangian sa nasabing dalawang masamang katangian ng panloob na pakiramdam. Ang pangingibabaw ng Sottvic na katangian ay magdadala ng positibo at matalinong mga aksyon. Kasama rito ang pagiisip at pagdedesisyon sa mga uri ng pagkain na kanyang kakainin. Ang pangkalahatang resulta ng mga pagbabagong ito ay makikita sa pagbabago ng mga masama na nakakasira sa pisikal at mental na kondisyon ng isang tao sa pamamagitan ng spiritwal na pagbabagong kusang dadalhin nito sa buong pagkatao. Ibig sabihin, pati ang mga kinahihiligang bisyo ng isang tao ay handa nitong iwaksi at iwasan dala ng mga aral na dala ng pagninilay nilay at regular na pagcha-chant ng mantra. Tulad nga ng sinabi ni Sawmi Vivekanand, “Hindi kailangan sukuan ang mga bagay. Ang mga bagay na mismo ang susuko sa iyo.”
Ang GSSY ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang “chant” o pag-uulit ng isang mantra o isang sagradong salita sa loob ng iyong isipan sa loob ng karampatang oras. Bagama’t inaasahang magiging matagal ang proseso ng agsasambit ng “chant”, inaasahang magiging madali ito kung paulit-ulit na ginagawa nang may sapat na halaga ng paniniwala at sinseridad. Sa iilang pagkakataon, ang iba ay nakakasanayan ito sa loob lamang ng isang linggo samantalang ang iba naman ay matapos pa ang ilang buwan. Maliban sa “chant”, ang sinumang gumagawa ng GSSY— o ang tinatawag na “disciple”, ay kailangan ding sumailalim sa labing-limang minutong pagninilay-nilay nang dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.
Inanyayahan ni Guru Siyag ang kanyang mga disipulo sa Siddha Yoga sa paggising ng kanilang Kundalini sa pamamagitan ng prosesong Shaktipat Diksha. May apat na paraan sa pagpapasa ng Shaktipat ng isang Siddha Guru: (1) Pisikal na hawak (2) paningin (3) sagradong salita at (4) firm resolve. Nagbibigay ang Guru Siyag ng Diksha sa pamamagitan ng mantra. Ang Shaktipat ay isang Sanskrit na salita na nagmula sa dalawang salita. Ang una ay ang Shakti na ang ibig sabihin ay sagradong enerhiya at ang Pat na ang ibig sabihin ay para mahulog. Ang ibig sabihin ng Shaktipat ay ang paggalaw ng sagradong enerhiya. Ang mga eksperto ng Yogic ay madalas tinuturing ang Shaktipat bilang paglilipat ng sagradong enerhiya ng Guru sa katawan ng seeker. Ayon kay Guru Siyag, ito ay isang limitadong pagintindi sa proseso. Ito ay dahil sa katotohanang nakasaad sa mga kasulatan ng yogic na ang Kundalini ay nanahan sa bawat katawan ng tao, ang iba lang ay hindi aktibo. Ibig sabihin, hindi imposibleng maaaring ipasa ang Shakti sa ibang tao. Sa Shaktipat, ang Guru ang nagmimistulang taga-umpisa ng proseso kung saan ginagamit nito ang kanyang sagradong lakas upang gising ang Kundalini.
Katulad ng ekspalanasyon ni Guru Siyag, “Hindi ito simpleng nagpapasa lamang ang Guru ng panlabas na lakas papunta sa katawan ng seeker. Ang Shaktipat ay tulad ng paggamit ng nakasinding lampara upang sindihan ang isa pang lampara. Ikaw ay isang patay na lampara na may nakaimbak na langis at mitsa. Ang kailangan lamang ay sindihan ito ng isang lampara na magpapaliyab ditto. Kapag sumama ka sa mga lamparang may sindi, ikaw mismo ay magmimistulang liwanag para sa iba. Ito ang aking pagpapakahulugan sa proseso ng Shaktipat sa mas malawak na pananaw.” Ang Shaktipat ay isang gawain ng immense grace para sa Guru. Sabi ni Guru Siyag na habang ang mga kilos ng mga tao ay mayroong motibo, nananatiling walang interntion ang pagsasagawa ng Shaktipat.